Posts

Showing posts from October, 2017

Adobong Pusit

Image
Itong adobong pusit ay madalang lang niluluto sa bahay, halos siya ay nakakain ko lamang pag sa mga kainan o sa mga restaurant, di siya naluluto sa bahay dahil kami ay may allergy sa pusit, pero kahit nga ganun mahilig parin ako sa pusit. Masarap itong adobong pusit para sakin dahil kakaiba ang lasa niya kompara sa ibang mga adobo, parang mas may alat ang adobong pusit, tapos hinalo sa sabaw ang tinta ng pusit, masarap siya isabay sa kanin at nakakabusog. Image Source: https://www.youtube.com/watch?v=BgtJv6vDZ-Y

Crispy Pata

Image
Yan, Crispy pata, isa sa mga specialty ng nanay ko, parehas kami mahilig ng nanay ko nito kaya't pinag aralan niya kung pano siya pinapasarap. Para sakin masarap yung lutong at alat nito, masarap na masarap isabay sa kanin. Itong Crispy pata ay priniprito lang naman, pero napakadaming paraan kung paano mo siya papalasahin, may mga ibang inaabot ng 1 hanggang 2 araw ang preparasyon bago ito iprito. Image Source: http://balay.ph/crispy-pata-guide-making-dish/

Sisig

Image
Ang sisig naman, ito hindi ko ito natikman hanggang siguro mga 10 na taong gulang ako, at nung una di ko alam kung ano siya, di ako mahilig sa atay pero ng natikman ko ang sisig hindi ko nalang napansin na may atay siya. Sa karanasan ko sa pagkain ng sisig masarap siya dahil sa ibat ibang lasa na nagsasama sa isang plato, syempre dahil mahilig ako sa maanghang, yung bersyon na may sili ang aking gusto. Itong sisig ay nilalaman ng sibuyas, liempo, paminsan nilalagyan din ito ng sili, at nilalagyan siya ng hilaw na itlog sa itaas. Hinahalo ito o iniiwan maluto sa taas yung itlog na hilaw para isabay sa sisig. Sa ngayon hindi na siya nagtatapos sa sizzling plate lamang, meron na ding sisig burger at iba pa Image Source: http://www.adoboflavourshop.com/2014/08/22/pork-belly-sisig/

Dinamita

Image
Isa nanamang maanghang na pagkain, isa ito sa pinaka paborito ko, napaka anghang nito pero masarap, itong dinamita or chili cheese sticks ay sili na pinalamanan ng keso at binalutan ng lumpia wrap, masarap ito ipang merienda pero sa tulad ko na paborito ito, minsan pinang uulam ko pa siya sa kanin. Image Source: http://donnaedit.blogspot.com/2014/09/dinamita-dynamite-sticks.html

Sinigang Na Hipon

Image
Isa din sa mga paborito ko na kainin ay mga pagkaing-dagat, para sakin kasi parang may kakaibang kasariwaan kapag ikompara sa ibang pagkain, masarap din ang mga pagkaing dagat para sakin dahil di siya gaano kabigat kainin at masarap kaya napapadami ang kain. Itong sinigang na hipon ay ang pinaka paborito ko sa mga bersyon ng mga sinigang, sapagkat yung hipon mismo ay nagpapasarap sa sinigang. may mga ibang bersyon din ang sinigang tulad na sinigang na baboy, sinigang na bangus, at iba pa. Image Source: http://www.filipinofoodsrecipes.com/sinigang-na-hipon-sinigang-recipe/

Longganisang Imus

Image
Isa pa ito sa mga pagkaing naging paborito ko noong kabataan ko palang, halos buong kabataan ko ay nakatira ako sa imus, at hinding hindi ako nagsawa sa longganisang imus hanggang ngayon, nasanay na din ako sa lasa nito na kung papakainin niyo ako ng ibang longganisa kakaiba siya para sakin. Itong longganisang imus ay masarap dahil sa kanyang alat, di siya sobra sobra sa alat, tama lang siya at ang nagpapalasa dito ang yung bawang na nasa loob ng longganisa, masarap siya isabay sa kanin at di siya nakakasawa para sakin. Ito na siguro ang pinaka masarap na longganisa na natikman ko, Kailangan niyo ito ma tikman. Image Source: http://www.foodevolution.com.ph/2016/06/carlos-celdran-shares-cavitex-food-porn-adventure/

Bicol Express

Image
Ayan na nga, ang bicol express, ito na siguro ang pinaka paborito kong pagkain sa pilipinas, katulad ng sinabi ko may panlasang bicolano ako, yung mga pagkain na magata, at maanghang yan ang mga panlasa ng mga bicolano. Madaming iba iba na bersyon ang bicol express, nilalagyan siya ng ibat ibang mga karne at gulay, ang tradisyonal siguro na bersyon ay yung simpleng gata, sili, at liempo. Di lang dyan nagtatapos ang bicol express, tulad ng sabi ko may ibat ibang bersyon, pwede siya lagyan ng hipon, ng ampalaya, ng kalabasa at iba pa. Image Source: http://www.panlasangpinoymeatrecipes.com/bicol-express.htm

Mga Paborito Ko

Image
Para saakin ang mga paborito kong pagkain ay yung mga maaanghang, may panlasang bicolano ang aking mga paborito dahil sa mga kamag-anak ko na bicolano, naimpluwensya na din ako sa mga pagkain nila at sa pagkain nilang maaanghang. Di naman para sa lahat ang mga maaanghang na pagkain, may mga may ayaw din, pero para sakin sinasabi ko sainyo kakaiba ang pagkain ng maanghang, ibang karanasan yung pinapawisan ka na sa anghang pero sa sarap ng pagkain tuloy mo padin siya kinakain. Para sakin siguro ang pagkain ng maanghang ay nakatulong din sa mga sakit ko dati ng mga kabataan ko, dati may hika ako at sakitin, ang mga maanghang na pagkain ang naging gamot para sakin. Image Source: https://www.thespruce.com/thai-bird-eye-chili-facts-and-substitutions-3217054

Masarap Kumain

Madaming masarap na pagkain dito sa pilipinas, pero hindi lahat ay gusto ng lahat, para sa akin may iilan na napakasarap at karapatrapat na matikman ng mga tao. Dito sa blog na ito ipapakita ko yung mga personal ko na natikman at masasabi kong napaka sarap, malalaman niyo din dito ang paraan ng pag luto ng mga ito at ang ibat ibang bersyon nito.