Sisig



Ang sisig naman, ito hindi ko ito natikman hanggang siguro mga 10 na taong gulang ako, at nung una di ko alam kung ano siya, di ako mahilig sa atay pero ng natikman ko ang sisig hindi ko nalang napansin na may atay siya.

Sa karanasan ko sa pagkain ng sisig masarap siya dahil sa ibat ibang lasa na nagsasama sa isang plato, syempre dahil mahilig ako sa maanghang, yung bersyon na may sili ang aking gusto.

Itong sisig ay nilalaman ng sibuyas, liempo, paminsan nilalagyan din ito ng sili, at nilalagyan siya ng hilaw na itlog sa itaas. Hinahalo ito o iniiwan maluto sa taas yung itlog na hilaw para isabay sa sisig.

Sa ngayon hindi na siya nagtatapos sa sizzling plate lamang, meron na ding sisig burger at iba pa

Image Source: http://www.adoboflavourshop.com/2014/08/22/pork-belly-sisig/

Comments

Popular posts from this blog

Longganisang Imus

Mga Paborito Ko

Bicol Express