Bicol Express

Ayan na nga, ang bicol express, ito na siguro ang pinaka paborito kong pagkain sa pilipinas, katulad ng sinabi ko may panlasang bicolano ako, yung mga pagkain na magata, at maanghang yan ang mga panlasa ng mga bicolano.
Madaming iba iba na bersyon ang bicol express, nilalagyan siya ng ibat ibang mga karne at gulay, ang tradisyonal siguro na bersyon ay yung simpleng gata, sili, at liempo. Di lang dyan nagtatapos ang bicol express, tulad ng sabi ko may ibat ibang bersyon, pwede siya lagyan ng hipon, ng ampalaya, ng kalabasa at iba pa.
Image Source: http://www.panlasangpinoymeatrecipes.com/bicol-express.htm
Comments
Post a Comment