Mga Paborito Ko

Para saakin ang mga paborito kong pagkain ay yung mga maaanghang, may panlasang bicolano ang aking mga paborito dahil sa mga kamag-anak ko na bicolano, naimpluwensya na din ako sa mga pagkain nila at sa pagkain nilang maaanghang.
Di naman para sa lahat ang mga maaanghang na pagkain, may mga may ayaw din, pero para sakin sinasabi ko sainyo kakaiba ang pagkain ng maanghang, ibang karanasan yung pinapawisan ka na sa anghang pero sa sarap ng pagkain tuloy mo padin siya kinakain.
Para sakin siguro ang pagkain ng maanghang ay nakatulong din sa mga sakit ko dati ng mga kabataan ko, dati may hika ako at sakitin, ang mga maanghang na pagkain ang naging gamot para sakin.
Image Source: https://www.thespruce.com/thai-bird-eye-chili-facts-and-substitutions-3217054
Comments
Post a Comment